Abante Tonite Interactive

Gerald, Michael V, Ai Ai apektado sa Notre Dame Cathedral fire

427

Ikinalungkot at ikinagulat ng buong mundo ang pagkasunog ng Notre Dame Cathedral sa Paris, France na isa sa pinakasikat at makasaysayang simbahan na dinarayo ng mga turista sa bansa taon-taon.

Naganap ang sunog last Monday, April 15 (Paris time) at sa kasalukuyan ay declared safe na ito pero nakalulunos ang sinapit ng 850-year-old church dahil malaking bahagi ng bubong nito ay nasunog.

Sa social media ay napakaraming nagpahayag ng kalungkutan sa nangyari kabilang na rito ang ating mga artista especially ang mga nakarating na sa nasabing simbahan.

Siyempre, nangunguna na sa nalungkot si KC Concepcion na ilang taong nag-aral at tumira sa Paris.

Sunod-sunod ang post ni KC sa kanyang Instagram Story at makikita mo sa caption niya ang pagmamahal niya sa naturang simbahan.

“In your 850 years you have been burned before – you will rise above the ashes again,” ang laman ng isang caption ni KC.

“Mon Coeur est en larmes. The heart of Paris caught in flames. My heart is broken,” caption naman ni KC sa larawan ng isang human heart na nasusunog at sa taas nito ay ang larawan ng cathedral habang nilalamon ng apoy.

Next post ni KC, aniya, “She’s safe. It took 200 years to build the #NotreDame Cathedral and a second to crumble down. But this living piece of history is special and will rise again!!! A reminder for us not to take ANYTHING for granted,” at nilagyan ng hastag na #ParisJetaime.

Nag-post din si Ai Ai delas Alas ng isang art card patungkol sa naganap at nakasaad naman dito, “paulit-ulit mang masira ang ating mga pook-simbahan mananatili pa ring matatag ang ating pananalig sapagkat kapiling natin ang Diyos. Tayo ang katawang mistiko ng Panginoon. Tayo ang simbahan. Bangon Notre-Dame Paris!”

Nagsisisi naman si Manilyn Reynes na hindi niya pinuntahan ang cathedral nang magtungo siya sa Paris at pinagpalit niya raw ito sa pamimili ng leather shoes sa Paris.

“800 years old. Nalampasan mo lahat – French Revolution, World War 1, World War 2, at kung ano-ano pang balakid. Nakakalungkot… Watching it on TV, nakakaiyak.

“Pinagsisisihan kong hindi kita pinuntahan, when I had the chance…Can’t believe na ipinagpalit kita sa pamimili ng leather shoes in Paris. I’m sorry…

“Dear Lord God, I know may mga plano ka po. This will strengthen our faith even more. As the Easter message goes: Dying, you destroyed our death. Rising, you restored our life,” ang caption ni Manilyn sa ipinost niyang larawan ng cathedral.

Bilang pag-alala sa Notre-Dame Cathedral ay nag-post naman si Heart Evangelista ng larawan niyang kuha sa harap ng nasabing simbahan. Sa caption, aniya, “sad day” at nilagyan ng sad emoji at hashtag na #notredame.

Ang engaged showbiz couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ay nag-post din sa kani-kanilang IG ng larawan nilang magkasama habang nasa harap ng cathedral nang magpunta sila roon. Nilagyan nila ito ng hashtag na #PrayForNotreDame.

Si Gerald Anderson ay nag-post din ng larawan niya habang nasa cathedral at sa caption, he wrote, “Terrible news this morning .. i wish i got to know you better #notredame .. praying for all the fire fighters and rescue teams .. stay safe Paris.”

Same with Lotlot de Leon na nag-post din ng picture niya taken at the cathedral nang magtungo siya rito noong 2017.

“Oh Notre Dame… It was a beautiful day when I first saw you! 12/2017,” caption ni Balot.

Short video naman ang ipinost ni Michael V. habang nasa harapan din siya ng simbahan at inihalintulad naman niya ang cathedral sa ating Metropolitan Theater na wish niya na ma-restore.

“I’m pretty sure mare-restore nila ‘tong #NotreDameCathedral. ‘Yun ang nakakabilib sa mga bansang ‘to e. Sobrang mahal nila ang kultura. Sana gano’n din sa Pinas.

“Sana ‘yung Metropolitan Theater sa Manila ma-restore na rin bago masunog o mabuwag ng mga urban developers. In-attempt ni Kuya Germs nu’ng buhay pa s’ya pero nakamatayan na e. Kahit gawin na lang club or food park! Para lang may nagme-maintain!

“Sayang ‘di ba? What do you guys think?” caption ni Bitoy na nilagyan ng hashtag na #SaveTheMet.