Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald napag-iwanan nina Kim, Maja, Julia

0 282

Happy si Gerald Anderson dahil nakamit na ng kanyang dyowang si Julia Barretto ang kanyang Gold Play button sa YouTube channel nito recently.

Naka-one million subscribers na kasi si Julia sa kanyang vlog kung saan umabot sa 4.5 million views ang kanyang kitchen tour . Pinaka-controversial naman ang interview niya sa amang si Dennis Padilla na naka-pribado na ngayon.

Inuurot naman ng ilang kibitzers ang aktor dahil tila mahina ang views ng kanyang sariling YouTube channel.

Hirit nila, humahataw lang daw ito kapag ang nobya ang tampok dito.

Sa ngayon kasi ay may 128 k subscribers ang vlog ni Ge.

Pagmamaldita naman ng mga okrayera, napag-iiwanan daw si Gerald ng mga babaeng na-link sa kanya.

Ang kanyang ex na si Kim Chiu na merong 2.39M subscribers sa kasalukuyan ay nakuha ang kanyang Gold Play button noong 2019.

Ang isa pa niyang ex na si Maja Salvador ay na-gets naman ang kanyang Gold Play button noong nakaraang taon at currently

ay merong 1.39 milion YT subscribers.

Ang kanya namang estranged partner na si Bea Alonzo ay natanggap ang kanyang Gold Play Button noong Hunyo at merong 1.82 million subscribers.

SM food to go Banner Ad

Sey ng ilang kibitzers, ano raw kaya ang makapag-generate ng interes para humataw ang YT channel ng aktor: episodes with his exes daw ba?

Zanjoe wanted kay Spielberg

Dati nang na-link sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa isa’t-isa dahil ilang beses na rin silang nagkasama sa pelikula at telebisyon.

Katunayan, si Zanjoe ang isa sa mga itinuturing na close friends ni Angge sa showbiz.

Dahil nga sa kanilang pagiging malapit, minsan ay nabigyang kulay ng mga malisyoso ang kanilang mutual fondness for each other.

There was a time nga na game na pinatulan pa ng dalawa ang isyu ng pagiging rumored na magdyowa nila.

Speaking of Angelica, hindi nakalimutang batiin ng aktres ang kanyang bestie sa kanyang kaarawan sa kanyang Instagram account.

“Maligayang bati sa iyong kaarawan ngus! Palagi akong masaya sa lahat ng naabot mo at palagi kitang ipagmamalaki hindi lang bilang napakahusay mo sa trabaho. (pinapahanap ka pa din ni Steven Spielberg ) kung hindi, mas mahusay kang tao. Alam kong habang buhay kitang matatakbuhan kapag kailangan kong tumawa at makalimot. Mapalad kaming mga tropa mo. Kampai sa lahat ng pangarap na maabot mo pa! Mahal kita ng walang malisya!” , caption ni Angge.

Hirit ng mga netizen, seryoso raw kaya na wanted ng Hollywood director si Zanjoe o nangi-etching lang si Angge.

Kung sakali raw, hindi naman ito kataka-taka dahil mahusay na actor si Zanjoe.Naging nominado noon para sa international Emmy awards for best performance by an actor sa isang episode ng MMK.

Leave A Reply

Your email address will not be published.