Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald nasakal kay Alonzo

0 129

Maraming netizen ang nag-react sa naging rebelasyon ni Gerald Anderson tungkol sa naging hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Ang kanyang pasabog ay naganap sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Ayon kay Gerald, sinukuan niya ang kanyang relasyon kay Bea dahil nasakal umano siya rito.

“Yun ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic, not saying na siya yung toxic, ako yung toxic. But being together we were very toxic, and hindi nirerespeto yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap,”aniya.

Sey pa niya, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon dahil na-feel nilang walang patutunguhan ang kanilang relasyon.

“After months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean yun lang. I’m just gonna leave it at that,”bulalas niya.

Sa ibinunyag niya, nagkaroon ng iba’t-ibang kuro-kuro ang mga netizen.

Nalagay daw umano sa bad light ang pangalan ni Bea dahil lumalabas na umano’y nagger at domineering ito.

Pagtatanggol naman ng Team Bea, natural na reaksyon lang daw sa isang babae ang mang-away ng dyowa kung feeling niya ay niloloko na siya.

Hirit naman ng ilan, napilitang magsalita raw si Ge dahil may upcoming teleserye ito sa ABS-CBN.

May mga nagsasabi namang hindi maisasalba ng kanyang pag-amin ang naging impresyon sa kanya ng tao.

May mga kumukuda namang dapat daw ay huwag husgahan ang actor kung pinili nito ang babaeng mas mahal kesa sa ex.

Bet naman ng ibang mapanood ang JuRard sa interpretasyon ng music video na Pag-ibig ang Pipiliin ni Moira dela Torre pagkatapos magpaiyak ng JoshLia sa Paubaya.

@@@

Alden tinik sa pag-amin ng BeaDom

Pagkatapos ng pasabog ni Gerald Anderson tungkol sa pag-amin niya sa bagong inspirasyon na si Julia Barretto, naipasa na raw ang bola ngayon kay Bea Alonzo.

Sey ng bitchy netizen, panahon na raw para umamin si Bea at ng rumored boyfriend nitong si Dominic Roque tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Bagamat nasabi noon ni Bea na naka-move on na siya sa breakup nila ng ex, abangers na ang mga netizen sa pagsasalita ng actress sa kanyang vlog.

Kung may paghuhusga sa pag-amin ni Gerald kay Julia, iba naman ang inaasahang reaksyon ng mga netizen sa totohanang romansa nina Bea at Dominic kung isasapubliko nila ito.

For one, dumating daw si Dominic sa buhay ni Bea sa panahong hiwalay na sila ni Gerald at hindi rin masasabing “rebound” ito.

Masasabing tunay rin daw na naka-move on na si Bea kay Ge, kung magiging opisyal na magdyowa ang aktres at si Dominic.

Obserbasyon naman ng ilang kibitzers, malabong umamin pa si Bea sa relasyon nila ni Dominic dahil sa pelikula nila ni Alden Richards.

Leave A Reply

Your email address will not be published.