Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald parang santo kay Julia

0 2,121

Sa kanyang exclusive interview sa Metro.style recently ay maraming sinagot na katanungan si Julia Barretto tungkol sa relasyon nila ni Gerald Anderson.

Parang santo pag isalarawan ang boyfriend.

Isa sa katanungan ay kung ano ang unang impresyon niya kay Gerald at sagot ni Julia, mula sa simula ay napaka-gentleman daw ng aktor at ‘yun daw talaga ang parati ring sinasabi ng ibang tao.

“He is by nature a very caring and concerned individual and likes to make everyone feel comfortable and safe. Up to this day, I am proven right. I am well taken care of by this wonderful man,” she added.

Sa tanong naman kung ano ang minahal at naa-appreciate niya sa boyfriend, napakaganda rin ng sagot ni Julia.

“Gerald is the most generous person I know. He likes to share all his blessings and achievements with the people in his life. He enjoys these more shared and never alone. He puts others and their well-being first. He likes to give people the opportunity to grow.

“He knows how to push everyone around him to be the best version of themselves. Gerald doesn’t force this in others, he leads by example—and that to me, is a gift. Gerald off-cam is a funny guy. I don’t think this is a side of him many know. He has a unique humor that cracks me up all the time,” mahabang sagot ni Julia.

Ang ganda rin ng sagot ng akres nang tanungin kung ano ang naging positive influence sa kanya ng BF. Ayon kay Julia, ginawang simple ni Gerald ang kumplikado.

“This question made me quite emotional thinking about all the improvement I’ve noticed in myself since being with him. I’m not sure he realizes the impact he’s had in my life. Gerald has made all my complicated, simple. In all situations, he helps put things into proper perspective for me.

“He has grounded and humbled me as a person. I am grateful everyday that I have a partner that looks out for me, fuels me and drives me to become a better person, for everyone and most especially for myself,” pahayag ni Julia.

@@@

Shawie payag na tawaging gaga ni Aga

Nag-post si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram page ng poster ng pelikulang pinagsamahan nila ni Aga Muhlach noong 2003, ang Kung Ako na Lang Sana. Kasama rin nito ang mga publicity photos ng nasabing pelikula.

Sa caption ay nag-reminisce si Shawie at sinabing si Aga ang isa sa paboritong leading men niya bukod pa nga sa isa rin ito sa mga matatalik niyang kaibigan. Nagpasalamat siya sa aktor na parati raw nandiyan for her.

“Always one of my best friends & one of my favorite leading men for 18 years now. Sumbungan ko pa rin! Thank you, Teng, for praying and being there for me, always making me laugh kahit di tayo nagkikita or nakakapag-usap ng madalas!” ani Sharon.

Dagdag pa ni Megastar, si Aga lang daw ang pinapayagan niyang tawagin siyang “gaga.”

“Ikaw lang pa rin ang puede tumawag sakin ng “gaga!” Hahahaha! Tara! Game na! @agamuhlach317,” sey ni Mega.

May mga nagtanong naman sa comment section kung may gagawing pelikula ang dalawa dahil sa sinabi ni Shawi na “tara, game na.”

Hindi nga kaya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.