Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald proud kay Julia kesa Bea

0 11,282

Nagbahagi si Gerald Anderson ng video ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto na nagluluto ng samgyupsal sa kanyang Instagram stories.

Umani ng samut-saring reaksyon ang naturang video sa netizens.

Sey ng iba, mas happy raw si Gerald na i-flex si Julia unlike kay Bea before na hindi siya ganoon ka-open.

Pansin naman ng mga usyosa, mas proud daw si Gerald kay Julia kesa sa ex dahil nagagawa na nitong ipangalandakan ang nobya.

Hirit naman ng ilang negatrons, feeling nila hindi rin magtatagal ang relasyon ng dalawa.

Marami rin naman ang kinilig sa nabanggit na video na ibinahagi ni Gerald.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Wow naman ang swet. Ang init ng magdamag este samgyupsal. Promo yan sa yo Ge heheh.”

“Parang napapaibig tuloy akong mag air fry ng samgyupsal ahihi. Pag ibig nga naman. Masunog este masunod ka lamang.”

“Alipin ng pag ibig. Paandar pa more.”

“Nagluto lang yun tao alipin na! Di ba puedeng kasi kakain din siya kaya siya nagluto!”

“Super sweet. Its nice to see these lovebirds amidst this pandemic. They are really a breath of fresh air. LOVE wins.”

“Inlove ang koya niyo, batang bata ba naman eh.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Aminin natin first time yang nag ig stories sya ng gf nya. di nya nagawa kila kim sarah maja and bea yan lol oups.”

“Swerte ni budoy kay Julia. Last mo na yan budoy ha. Magtino ka na sana.”

“Crying the river si bea. Kawawa naman sya.”

Alex pumiyok sa ‘pagbubuntis’

Nagkaroon ng ispekulasyon na buntis o ‘on the family way’ na ang TV host-actress at YouTuber na si Alex Gonzaga.

Sa kanya kasing vlog, madalas mag-share si Alex tungkol sa pagkain.

May mga nakapansin din na medyo nag-gain ng weight ang kapatid ni Toni.

Kinaaliwan din ng mga netizen ang kanyang pagtupad sa kanyang wifey duties habang naghahanda siya ng paboritong chicken menu para sa kanyang mister na si Mikee Morada.

Sa isa namang video, nabuo ang sapantaha na naglilihi na ang social media influencer dahil sarap na sarap siya sa pagkain ng hilaw na mangga habang isinasawsaw sa bagoong.

Anyway, agad na pinabulaanan ni Alex ang balita sa kanyang IG account.

“Sa lahat ng nagsasabing naglilihi ako, hindi po. Mahilig na talaga ako since dati pa ng mangga,” aniya.

“Hugis mangga nga ako eh,” pahabol niya.

Hirit naman ng mga faney, sana raw ay magka-baby na ang mag-asawa para hindi na naiinggit si Alex sa kanyang ate.

Leave A Reply

Your email address will not be published.