Abante Tonite Interactive

Gerald, Rayver, Matteo bagsak sa ermat ni Geronimo

1,733

Sa secret wedding nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay hindi umano imbitado ang magulang ni Sarah. Magkakaroon naman kasi sila ng church wedding hopefully, next month.

Legally and officially ay Mrs. Matteo Guidicelli na si Sarah at wala na ritong magagawa pa si Mommy Divine.

Eversince ng relasyon nina Sarah at Matteo nong 2013 ay hindi na umano pabor si Mommy Divine pero ito’y ipinaglaban ng dalawa.

Kahit naman nong hindi pa dumarating si Matteo sa buhay ni Sarah ay wala umanong pinaboran ang ina ni Sarah. Kahit daw sina Gerald Anderson at Rayver Cruz.

Ngayong ganap nang mag-asawa sina Sarah at Matteo, dalangin ng kanilang mga supporter na sana’y maging masaya ang kanilang pagsasama.

2020 kasal ni Kris malabo

Hindi pala sa taong ito mangyayari ang kasal ni Kris Bernal sa kanyang fian­cé, ang restaurateur na si Perry Coi.

Ayon kay Kris, gusto muna niyang magtrabaho bago siya tuluyang lumagay sa tahimik.

Pero ngayon pa lamang ay nasa isip na Kris ang wedding motif na gusto niya. Pati na ang kanyang isusuot na wedding gown. Magiging prominent umano ang sunflower sa kasal nila. Magkahalong kulay blue and silver. Gusto rin ni Kris na mag-ala prinsesa ang kanyang look sa araw ng kanyang kasal.

Datung ni Zia ‘di nilulustay nina Dingdong, Marian

At 39, masasabing kumpleto na ang kaligayahan ni Dingdong Dantes. Bukod sa maganda ang takbo ng kanyang career at negosyo, nabiyayaan siya ng isang masayang pamilya.

Kahit pareho silang working parents ni Marian Rivera, they make it a point na may panahon silang nakalaan para sa isa’t isa at sa kanilang dalawang anak.

Sa edad na apat ay nakikita na ni Dingdong kay Zia ang hilig nito sa showbiz.

Pero papayagan lamang daw nila ito kapag nakapagtapos na ito ng kanyang pag-aaral.

“Studies muna before showbiz,” diin ni Dingdong.

Samantala, kumikita na si Zia sa kanyang mga product endorsement. Lahat umano ng kinikita niya ay nakadiretso sa kanyang sariling bank account na maa-access lamang niya pagdating sa tamang edad.