Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald sinagot si Julia ng ‘I’m just here’

0 20

NI: VINIA VIVAR

Sa latest IG ni Gerald Anderson, tila sinagot niya ang post ng girlfriend na si Julia Barretto na nami-miss siya nito.

Matatandaang nag-post si Julia last Monday ng larawan ni Gerald at ng kanilang fur dog at nilagyan niya ng caption na “missing. . .”

Deleted na ang nasabing post ni Julia na hinala ng marami ay dahil sa na-bash ito na mas nami-miss pa ang aso kaysa sa amang si Dennis Padilla.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kahapon ay si Gerald naman ang nag-post ng larawan niya habang nagre-relax sa private resort niya sa Zambales.

“I’m just here,” ang maikling caption ni Gerald.

Kinilig naman ang mga JuRald fans at kantyaw ng isa, “kilala ko kung sino hintay mo jan.”

Matatandaang madalas isama ni Gerald si Julia sa kanyang private resort during this pandemic. Dito nga rin nagdiwang ng kaarawan ang aktor last March kasama ang GF.

Parang pinagtiyap naman, kasalukuyang nasa lock-in taping si Julia sa Subic kaya kung tutuusin ay magkalapit lang sila’t mukha ngang hinihintay siya ni Gerald.

Leave A Reply

Your email address will not be published.