Abante Tonite Interactive

Gerald sinalisihan nina Bea, Zanjoe

3,831

Nakita namin nu’ng Miyerkoles ng gabi sa isang bar sa QC ang ex-sweethearts na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Unang dumating si Zan­joe kasama ang ilang kaibigan at bumati sa amin si Z. Maya-maya ay si Bea naman ang dumating with some friends at bumeso rin ito sa amin.

Bago magreak ang Bea­Rald fans, galing sa isang gimik sina Bea at Z, hindi sila magka-date or something.

Nagpa-videoke despedida sila para sa Star Magic hand­ler nilang si Tita Monch Novales kaya magkasama ang mag-ex. Iisa kasi ang kanilang handler, na handler din nina Liza Soberano, Pokwang, Enchong Dee, Iñigo Pascual, atbp.

Magpapalit na sila ng bagong handler dahil nag­ro-rotation ang handlers ng Star Magic. From the vi­deoke ay nagkayayaan silang mag-bar after.

Nanatiling friends sina Bea at Zanjoe after nilang maghiwalay. Ang sabi sa amin ni Z, masaya sila ni B kung saan happy ang isa’t isa.

Alam niyang may Gerald Anderson na ito at siya raw ay wala pa ring lovelife.

Nakakatuwa dahil ang ganda ng relasyon ng da­lawa, hindi sila awkward at chummy pa rin sila.

May ‘Kusina Kings’ mo­vie si Zanjoe na malapit nang ipalabas, habang si Bea, after ng pelikulang ‘Kasal’ ay lilipad ng Vancouver para mag-shoot ng movie nito with Aga Muhlach.