Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald tinalo ni Dominic

0 325

NI:ARCHIE LIAO

Para sa ilang kibitzers, may disadvantage minsan kapag mas sikat o mas fulfilled ang isang babae sa kanyang partner.

Ito ay madalas na napapansin lalo pa’t parehong sa showbiz ang mundong kanilang ginagalawan.

Sa kaso ni Dominic Roque, hindi maiiwasang maikumpara siya sa achievements ng kanyang dyowang si Bea Alonzo.

Sa isa namang vlog, nasabi ni Dom na meron na siyang sariling kumpanya which is into content creation and social media management.

Gayunpaman, may mga nang-ookray namang nagagamit umano ni Dom ang kasintahan to his advantage, which is quite unfair, for the actor.

Lately, ginawang basehan ng mga katkatera ang dami ng followers ng actor sa kanyang social media account . Nadagdagan ng more than 400k daw mula nang maging opisyal sila ng Kapuso actress.

Bagay na na-achieve raw nito na higitan pa ang followers ni Gerard Anderson.

As of date, Dom has 2.3 million Instagram followers kumpara kay Ge na merong 1.1 million.

Base rin sa post nila, mas maraming likers si Dom kumpara kay Gerald.

Leave A Reply

Your email address will not be published.