Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald tinawag na ‘selfish’ ni Bea

0 820

NI: VINIA VIVAR

Ayon kay Bea Alonzo, hindi na raw siya papayag pang maloko ulit tulad ng ginawang panloloko umano sa kanya ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

“Siguro ‘yung baon ko talaga is not to let myself be cheated on that way ever again, by anybody. I will never subject myself anymore to that type of relationship,” pahayag ni Bea sa panayam sa kanya ni G3 San Diego for Mega Entertainment.

She also recalled na first time raw niya ‘yun na magmahal nang all-out talaga dahil gusto niyang mag-work ang relasyon nila.

“I’ve always been into self-preservation when it comes to relationships. I’ve always been the Alpha. Yeah, and it was the first time that I really let myself go and just love fully,” sey niya.

Matatandaang naging controversial ang break-up nina Gerald at Bea dahil na rin sa may third party involved bukod pa nga sa “ghosting” accusation ng aktres.

Ani Bea, ang mas ikinagalit daw niya kay Gerald ay ang hindi nito pag-ako sa kamalian. “Apart from, of course the whole infidelity thing and the whole ghosting thing, I think I’m mad at him more because he gaslighted me. I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish,” she said.

“I can even find the words to describe that man,” dagdag pa ni Bea.

JOHN LLOYD AYAW KAY ANDERSON

Inamin din ng aktres na hindi raw gusto ni John Lloyd Cruz si Gerald para sa kanya kaya nang mangyari ang break-up ay sinabihan siya ng screen partner.
“Merong ‘I told you so’ moment of course, because he never really wanted that guy for me. Well, he never wanted anybody for me. He told me that I can survive it, and he kept telling me that I don’t love him,” lahad pa ni Bea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.