Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald type nang magkaanak

0 65

Sumalang sa interogasyon si Gerald Anderson sa vlog ni Joe Bianx .Natanong siya ng ilang intimate questions.

Nasa gym si Gerald at naglalaro ng basketball .Ang naging kundisyon ni Joe Bianx ay kailangang sagutin ang actor sa mga tanong sa kanya kapag sumablay siya sa pag-shoot ng bola sa ring.

Unang tanong sa kanya ay ang kahulugan niya ng love.

Ani Gerald, love is teamwork. To be fair daw, kapag pumasok sa relationship ang dalawang tao, dapat ay pareho kayong ‘”buo” ng iyong karelasyon.

Malaking factor din daw ito sa success ng relationship dahil pag nagsama kayo sa buhay ng partner mo, wala kayong insecurities na puwedeng ipasa sa isa’t-isa.

Natanong din siya kung may plano na ba siyang mag-asawa at sey naman niya, oo raw naman dahil iyong na raw ang next chapter ng buhay niya.

Inurirat din siya kung may anak na siya at iginiit niya na wala pa pero sana raw ay magkaroon na ‘soon.’

Ibinunyag din niya na sobrang saya ng estado ng kanyang puso at makikita raw ito sa spark ng kanyang mga mata.

Sa tanong naman kung sumagi ba sa isip niya na iwan ang showbiz dahil sa mga kinakaharap na kontrobersya ngayon, aniya, depende raw iyon sa mood niya.

Pero noong nagseryoso siya, sinabi niya na hindi niya iiwan ang showbiz dahil maraming bagay na binigay ito sa kanya ang mundong niyakap niya tulad ng mga naipundar niya like gym at resort.

Siguro raw ang puwede lang daw niyang ikunsidera ay ang mag-take lang ng break o bakasyon sa showbiz para mag-recharge.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaang si Gerald ay kinuyog kamakailan ng JoshLia fans dahil ito ang itinuturong dahilan umano ng hiwalayang Joshua Garcia at Julia Barretto. Naungkat na naman ito nang mag-viral ang “Paubaya”music video nila kamakailan.

Vice ginayuma ni Ion

Sa kanyang vlog, ipinasilip ng boyfriend ni Vice Ganda na si Ion Perez ang kanyang walk-in closet.

Ipinakita niya ang massive collection niya ng wardrobe na ginagamit niya sa iba’t-ibang okasyon.

Ani Ion, ang fashion style raw niya ang naka-attract kay Vice.

Nagbigay rin siya ng fashion tips o maging pogi tips sa mga lalake kung paano nila maa-attract ang kanilang prospect sa paghahanap ng romantic partner.

Sey ni Ion, ang mga lalake raw ay dapat magsuot ng black suit with black, orange or pie bowtie.

“Dun ko nabihag si Meme, sa black suit. May ano yun, may agimat. Alam niyo ba kung paano ko nabihag si Meme, si betla? “Magsuot lang kayo ng black suit, black bowtie, orange, saka pink. Makapangyarihan yun,” ani Ion.

Marami naman ang nag-react sa naging rebelasyon ng dating Kuya Escort.

Sey nila, ginayuma raw ni Ion si Vice.

Dagdag pa nila, alam na raw nila ang weakness ng It’s Showtime host.

Leave A Reply

Your email address will not be published.