Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gervacio, Rodriguez abante sa Final 4

0 193

Umeskapo sina Dij Rodriguez at Dzi Gervacio ng Creamline 2 kontra Delimondo matapos ang dikdikang three sets sa quarterfinals ng Beach Volleyball Republic (BVR) On Tour nitong Sabado.

Tinalo nina ‘Double D’ Dij at Dzi sina MJ Ebro at Bianca Lizares sa 21-17, 18-21, 15-10.

Sina Rodriguez at Gervacio ng Creamline 2 ang ikatlong koponan na nakapasok sa semifinal round.

SM food to go Banner Ad

Swak na rin sa Final Four sina Jackie Estoquia at DM Demontano ng Sta. Lucia 1 nang talunin ang Sta. Lucia 2 na pinangungunahan nina Bang Pineda at Chay Troncoso sa two sets na 21-9, 11-21, 15-4.

Ang Sta. Lucia 1 ang ikaapat at huling koponan na pumasok sa semifinals, makakasama nila ang Creamline 1, Creamline 2 at PLDT. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.