Abante Tonite Interactive

Gervacio, Sabete sa BanKo vs PetroGazz

0 148

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre)
2:00 pm – Motolite vs Choco Mucho
4:00 pm – PacificTown Army vs Air Force
6:00 pm – BanKo Perlas vs PetroGazz

Markado ang tapatan nina Angeline Marie Gervacio at Jonah Sebete sa hamukang BanKo at PetroGazz sa triple-header ngayong araw na magpapatuloy sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 elims sa The Arena-San Juan.

Alas-6:00 nang gabi pupukpok si Gervacio para sa katabla sa segundang Perlas Spikers (5-2) at si Sabete sa Angels (5-2) para paglabanan ang pag-iisa sa posisyon.

Salpukan muna ang nasa fourth spot Motolite (4-2)-6th-running Choco Mucho 2-4) sa alas-2:00 nang hapon, at nasa ikalimang Pacific Town Army (3-3)-pumapangwalong PH Air Force (1-5) sa alas-4:00 nang hapon.

Tumikada si Gervacio ng 19 points sa huling laban sa nakalipas na Miyerkoles nang ipangmumog ang BaliPure sa 5-set game.

Sasalagin siya ni Sabete na pinangunahan ang koponan sa pagpundi sa Power Builders nitong Linggo via straights sets. (Aivan U. Episcope)