Abante Tonite Interactive

GF ni Issa pinakilala

1,483

Nagsalita na ang kapatid ni Yassi Pressman kaugnay ng isyung siya ang third party sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.

Ito ay pagkatapos na ipagtanggol siya ng kanyang ateng si Yassi kaugnay ng kontrobersya.

Nilinaw rin ni Nadine na hindi rin sangkot si Issa sa paghihiwalay nila ng landas ni James.

Para matigil na ang kung ano-anong espekulasyon, ipinakilala niya ang kanyang girlfriend na si Marga Bermudez sa picture nilang may caption na “Oh btw, let me introduce to you my girlfriend!!

Kaugnay nito, nauna nang nanawagan si Nadine na huwag bigyang-kulay ang mga pagiging close nina James at Issa. (Archie Liao)