Abante Tonite Interactive

GF ni player ‘nagpakain’

1,191

Nitong Miyerkoles sa umpisa ng men’s basketball competitions ng SEA Games, may nakapuna na walang food and drinks para sa mga miyembro ng media na nag-cover sa MOA Arena.

May isang Good Samaritan (o Woman Samaritan) na tumugon.

Nabasa ng girlfriend ng isang player ang himutok, at agad gumawa ng paraan.

Nagpadala si girlfriend ng makakain, bottled water at boxes ng coffee latte.

Nagawan ng paraan para maipasok sa media room ang food and drinks.
Abot-abot ang pasasalamat kay girlfriend, pero ayaw ipasabi kung sino siya.

Wala raw ‘yun sa kanya. (VE)