Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GF, person of interest sa rent-a-car slay

0 574

Kakilala at malapit sa biktimang lady driver na pinatay sa saksak sa loob ng kanyang kotse sa Calamba City ang mastermind sa pagkamatay, nito ayon sa pulisya.

Maging ang girlfriend ng biktima ay kasama rin sa person of interest na siyang pinanggalingan nito sa bayan ng Bay bago nangyari ang krimen.

Sa panayam ng Abante Radyo kay Calamba City police chief Col. Gene Licud, nitong Sabado, tahasang sinabi nito na tukoy na nila ang mastermind sa karumal-dumal na krimen at kasalukuyan na nila itong tinutugis.

Isa umanong alyas Althea ang nagplano sa pagpatay sa dalaga.

Tinatawagan din nito ang mga suspek na sumuko na sa batas dahil alam na naman aniya ng mga suspek na kilala na sila ng mga awtoridad.

“Kung ako senyu, sumuko na kayo at alam na naman ninyo kung sino kayo na tinutukoy namin,” ayon kay Licud.

Ayon pa kay Licud, natukoy ang mga suspek dahil nakuhanan ng CCTV ang pagsakay ng mga suspek at mula na rin sa statement ng mga witnesses.

Batay sa kuha ng CCTV, alas 9:52 ng Lingo gabi nang huminto ang kulay gray na Mitsubishi Mirage na minamaneho ng 34-anyos na biktima na si Jingle Lucero o Jang sa harap ng isang fast food sa Calamba City.

Sumakay ang tatlong suspek na isang babae sa harap at dalawang lalaki sa likod. Nang umalis ang kotse, agad ding sumunod dito ang isa namang kulay blue na kotse.

Unang nakita sa CCTV na sa nasabing blue na kotse na nagmula rin sa direksyon ng Bay bumaba ang mga suspek bago naglakad papunta sa harap ng fast food pitong minuto bago dumating ang biktima.

Nakita rin sa CCTV ang kanilang mga mukha ng tatlo bago sumakay sa kotse ng biktima.

Sila ang huling nakasama ang biktima bago ito natagpuang patay at tadtad ng saksak sa loob ng sasakyan diversion road ng Calamba City.

Lumalabas din sa pagsusuri sa labi ng biktima na bali ang kanang kamay nito, indikasyon na pingilan ang kamay nito bago pinagsasaksak ng alinman sa nasa passenger seat at ng nasa kanang bahagi ng back seat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.