Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ghanian dinemolis via 3rd round TKO : Casimero hari pa rin

0 144

BINUGBOG-SARADO ni John Riel Casimero sa third round si Duke Micah ng Ghana upang sambutin ang knockout win para madepensahan sa unang pagkakataon ang World Boxing Organization (WBO) world bantamweight title nitong Linggo (Manila time) sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Nakipagsablayan ang Ghanian sa 31-year-old, 5-foot-4, Ormoc City native sa opening round na halos patas ang kinalabasan, pero naramdaman doon ng huli na nasaktan sa bodega ang una sa isa nilang palitan ng sapak.

Isang mala-kidlat na left hook ang pinadapo ng Pinoy sa round two upang humalik sa lona ang 29-anyos, at sa ikatlong round, nag-ala-FPJ si Casimero ang maialgay sa sulok ang karibal na nawala na ng depensa kaya pumagitna ang referee para ihinto ang laban.

Umakyat ang record ng winning boxer sa 30 wins, 21 by knockouts, at 4 losses, pinalasap kay Micah ang unang talo, 24-1, 19 KOS sa impresibong debut sa US television pay per view. Nagpakawala si Casimero ng powershots na 52% ayop sa CompuBox o 59 laban sa 26 lang ni Micah.

“Pinaghirapan ko ang panalong ito. Sa first round nakita kong nasaktan siya sa katawan, at iyon ang inasinta ko mula roon, pero magaling din siyang boksingero, hindi siya basta magiging undefeated kudi mahusay.”

“Mas nasaktan ko siya sa second round, pero matapang siya, malakas at matibay ang baba. Alam kong magaling siya kaya hindi ko alam na mabilis ko siyang mana-KO. Pinaghandaan ko ang buong 12 round. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.