Abante Tonite Interactive

Ghost hunting sa Maynila

By
13

Magsasagawa umano ng ‘ghost hunting’ si Manila Mayor Joseph Estrada para madetermina ang mga empleyado ng Manila City Hall na tuwing araw lamang ng suweldo pumapasok upang kolektahin ang kanilang mga suweldo.

Kasabay nito, nagbabala si Estrada na mananagot ang sinumang empleyado ng MCH na mabubuking niyang mga ghost employee partikular na iyong mga nasa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Kasabay nito, nabatid na ipinatutupad ni Estrada ang bagong sistema ng pagpapasuweldo sa mga miyembro ng MTPB.

Abante Hiring – IT dep

“Nakakahiya at nakakagalit sila. ‘Pag mayroon lang akong makitang kahit isang ghost employee sa city hall at lalo na sa MTPB, tiyak na mananagot siya,” banta ni Estrada.

Inatasan ni Estrada si MTPB chief Dennis Alcoreza na pangunahan ang paglilinis sa MTPB at alisin ang mga ghost employees, kasama na rin ang mga totoong empleyado na lagi namang absent at nagre-report lang tuwing araw ng suweldo.

Kung dati ay cash na nakukuha ng mga MTPB enforcers ang kanilang suweldo, tseke na ang ibibigay sa kanilang suweldo.

“Unlike before na cash ang binibigay sa kanila, na madaling i-manipulate. Ngayon tseke ang ibibigay sa mga JO (Job Order). So for them to get the check kailangan ng identification sa bangko. Ano ang mga kailangan mong identification? Kailangan ng TIN, PAG-Ibig. So ‘yun ‘yun, they are requiring na meron ang mga ‘yun bago i-process ang suweldo nila,” paliwanag ni Alcoreza.

“Definitely, ‘pag wala kang TIN at PAG-Ibig, ‘di ka makakasuweldo, isa kang ghost employee,” dagdag pa ni Alcoreza.