Abante Tonite Interactive

Gianna ‘di bibigay sa mga bolero

704

Nag-uumapaw sa kaseksihan ang DJ-host na si Gianna Llanes. Tiyak kapag tinamaan ka ng kanyang matamis na ngiti ay matutunaw ka.

Mapusok at mapangahas man ang kanyang awra ay hindi siya basta-bastang bumibigay sa mga bolero. Ang beauty and brain mula sa Mandaluyong City ay nagtapos ng Bachelor’s Degree in AB Communication minor in French sa Ateneo de Manila University.

Isa siyang radio DJ, Tv host,courtside reporter at fitness instructor. Dati na rin siyang kandidata sa Miss World Philippines noong 2018.

Ngayong 2020, handa na siya muling ipangalandakan ang ganda, kaseksihan, talino at adbokasiya sa Miss Philippines Earth.

Ani Gianna, “ I joined Miss Philippines Earth because of the influential platform it has developed throughout the years, valuing a spokesperson who is opinionated, captivating, and candid enough to convince her peers that it’s time to make a difference when it comes to taking care of Mother Earth. Us Mandaleños have a saying, “Gawa, hindi salita,” so I think it’s time to push for that same discipline around the world.” (Rona Ronda, Roldan Castro)