Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis aangas sa Game 3

0 65

Tulala si Giannis Antetokounmpo na nakaupo sa bench pagtunog ng final buzzer nitong Miyerkoles, minsan ay nakatukod ang mga palad sa noo.

Sabi ng mga sabungero, laglag ang tuka.

Lupaypay ang Milwaukee Bucks, lubog sa Miami 2-0 sa second round ng East playoffs.

Huling hiniya ni Jimmy Butler at ng Heat si Giannis at Bucks 116-114.

Nagbaon ng dalawang pressure-packed free throws si Butler 0:00 na sa orasan para igapang ang panalo.

Niregaluhan ng referees si Butler ng dalawang charities nang pituhan ng foul si Antetokounmpo matapos habulin ang last shot ni Butler.

Wala na sa kamay ni Butler ang bola, hindi pa nakakalapag ay parating si Antetokunmpo at natukuran ang tagiliran ng Heat veteran. Foul!

“I tried to make it tough for Jimmy. The ref said there was contact. Maybe there was. It is what it is. I tried to contest the shot,” anang Greek Freak sa postgame news conference.

Apat na panalo ang kailangang tuhugin ng Bucks para umusad. Game 3 ngayon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.