Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis binuking kalokohan ng kuya

0 85

Sabado ng umaga, nalaman ni Milwaukee star Giannis Antetokounmpo ang balita na nasa ilalim ng health and safety protocols si Thanasis Antetokounmpo.

Ibig sabihin, hindi makakalaro si Thanasis, 29, sa Game 5 ng NBA Finals kinagabihan sa Phoenix.

“It was extremely difficult because I know how bad he wanted to be here and to help the team, be around the team and cheer for the team and give the energy that he always gives to everybody, because everybody feels his energy,” ani Giannis, 26, sa kanyang kuya at teammate.

SM food to go Banner Ad

Dramatikong naipanalo ng Bucks ang game 123-119, naselyuhan sa nakaw ni Jrue Holiday na tinapos ng perpektong lob pass niya kay Giannis sa kabila.

Natawa si Giannis nang ikuwento ang malamang na reaksiyon ni Thanasis sa final sequence ng laro.

“He’s probably screaming in front of the TV, and probably in the last possession, he probably took his shirt off and started playing defense, sweating, jumping on the bed,” pambubuko ng two-time MVP. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.