Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks astig sa Game 3

0 151

HALOS nag-triple double si Giannis Antetokounmpo para agawin ng Eastern Conference topnotcher Milwaukee Bucks ang best of seven series advantage nang kalusin ang Orlando Magic, 121-107 nitong Sabado ng gabi sa Game 3 ng 74th NBA 2019-20 playoffs sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

Muling nangalabaw ang 25-year-old, 6-foot-11 forward at reigning Most Valuable Player upang akbayan ang Bucks sa 2-1 bentahe. Nagtala siya ng 35 points, 11 rebounds at seven assists habang bumakas si Khris Middleton ng 17 puntos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umarangkada agad ang Milwaukee sa simula ng laban, nahawakan agad ang 27-point lead, 70-43 sa halftime at hindi na lumingon pa sa karibal.

Kumana si DJ Agustin ng 24 pts. para sa Magic, na kailangang manalo sa Game 4 upang manatili ang tsansa sa asam na makasilat at makausad sa susunod na phase. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.