Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks binabangungot

0 47

Dinagdagan ni Norman Powell at ng Toronto ang bangungot ni Giannis Antetokounmpo at Milwaukee sa 75th NBA 2020-21 regular season game sa Fiserv Forum sa Wisconsin Huwebes ng gabi.

Tumabo ng season high-tying 29 points si Powell, dinagdagan ni Pascal Siakam ng 27, at nilapa ng Raptors ang Bucks 110-96.

Naka-17 points din si Fred VanVleet sa Raptors na umakyat sa 14-15 win-loss slate at hinaltak pabagsak ang biktima sa 16-13.

Sadsad sa panglimang sunod na laro ang Milwaukee sa kabila ng 23 points, 12 rebounds at 8 assists ni Antetokounmpo.

Naiwan ng hanggang 23 ang Bucks, naibaba sa 10 pero hanggang doon na lang.

Mula sa field ay 9 of 12 si Powell, 4 for 7 sa 3-point range at 7 of 8 sa free throw line. May 15 points na siya sa first quarter at may dalawang 3s para angklahan ang 21-4 run ng Toronto.

Sa third quarter ng 124-113 panalo ng Raptors sa Milwaukee din noong Martes, lumabas si Kyle Lowry dahil sa sprained left thumb wala siya sa rematch. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.