Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks binalya Pistons

0 54

Sinagasaan lahat ni Giannis Antetokunmpo ang mga humarang sa kanya sa ikalawang sunod na pagsalya ng Milwaukee Bucks sa Detroit Pistons, 130-115, sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season game nitong Miyerkoles sa Fiserv Forum sa Wisconsin.

Kumayod ang Greek Freak ng 25 points, eight rebounds at four assist habang may ambag sina Khris Middleton at Brook Lopez na 23 at 17 markers para sa 5-3 win-loss record ng Bucks at hilain pabagsak sa 1-7 Pistons.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Si Jerami Grant ang namuno sa lahat ng scorers sa 31 pts. para sa Pistons.

Bago ang jumpball, lumuhod ang dalawang team sa pagluluksa ilang araw nang magdesisyon ang Kenosha, Wisconsin prosecutors na hindi magsampa ng criminal charges sa police officers na bumaril kay Black man Jacob Blake.

“We know that when the game starts, people are going to be paying attention,” lahad ni Antetokounmpo sa ilang saglit na pagluhod. “That was the right time to do it.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.