Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks binaon Pistons

0 143

Nilagari ni Giannis Antetokounmpo ang magkabilang dulo ng court sa final 2 minutes para plantsahin ang 125-115 panalo ng Bucks sa bumisitang Pistons Lunes ng gabi sa 75th NBA 2020-21 regular season game sa Fiserv Forum.

May 30 points na ang reigning back-to-back MVP sa halftime para tumapos ng 43 mula sa 17 of 24 shooting. Kumalawit pa siya ng 9 rebounds para sap ag-angat ng team niya sa back-to-back wins para sa 4-3 record at sinalya biktima sa second straight loss pa-1-6.

Abante ang Milwaukee 118-110 higit 2 minutes pa nang sumagasa si Sekou Doumbouya sa lane, pero sinupalpal ni Antetokounmpo. Sinundan ‘yun ng Greek Freak ng put-back sa kabila para ilayo sa 10 ang Bucks, at hindi na nakapalag ang Detroit.

“They just kept coming at us,” himutok ni Bucks coach Mike Budenholzer sa makulit na Pistons. “They made some big 3s, tough 3s, and that blocked shot and then the put-back was big.”

Sa pangunguna ni Antetokounmpo, na-outscore ng Bucks ang Pistons sa paint 62-42.

Iniupo ng Detroit ang top two scorers nilang sina Blake Griffin at Josh Jackson. Ipinahinga ang surgically repaired left knee ni Griffin, samantalang may sprained right ankle si Jackson.

Umayuda ng 19 points si Khris Middleton sa Milwaukee, may 15 si Jrue Holiday.

May tig-24 points sina Derrick Rose at Jerami Grant sa Pistons. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.