Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks patok sa Game 5

0 324

Buong regular season na binagabag ng injury ang Brooklyn, hanggang postseason ay ayaw tantanan.

May stretches na hindi makumpleto ang Big 3, nakawalong laro lang na magkakasama sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving. Ngayon ay one-man army na lang si Durant.

Nauwi sa best-of-three ang series matapos kubrahin ng Milwaukee ang dalawang laro rin sa home court huli ang 107-96 panalo noong Sabado.

Sa Game 4 na ‘yun nawala si Irving, napilipit ang kanang paa nang matapakan si Giannis Antetokounmpo sa second quarter.

Hindi na siya nakabalik sa laro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pipilay-pilay na umuwi ng Brooklyn ang Nets, hindi sigurado kung makakalaro sa Game 5 ngayon sina Irving at James Harden.

Walang isang minuto ang itinagal ni Harden sa series, inabot ng strained hamstring sa opener.

“If Kyrie and James are out there, guys will be ready,” ani KD. “And if not, guys will be ready as well.”

Bigla, naging liyamado ang Bucks. Pagkakataon nina Antetokounmpo, Khris Middleton at Jrue Holiday para dominahin ang kalaban. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.