Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks pinalamig Heat

0 217

Pagkatapos ng ga-buhok na panalo sa opener, mas maangas nang inumpisahan ng Milwaukee ang NBA playoffs Game 2 para tabunan ang Miami 132-98 Lunes ng gabi sa Fiserv Forum sa Wisconsin.

Nagpaulan ng nakakangilong 22 for 53 shooting sa 3-point range ang Bucks, 15 for 29 dito sa first half nang dumistansya 78-51 sa break na lumobo pa sa 36.

Ang 22 3s ng Bucks ang highest total sa isang playoff game.

Mula long distance ay 6 for 9 si Bryn Forbes tungo sa 22 points para sa Milwaukee, nagpundar ng 2-0 lead sa first-round series bago dumayo ng Miami para sa Game 3 sa Biyernes (araw sa Manila).

Heat ang sumipa sa Bucks sa 4-1 sa second-round noong nakaraang taon.

Sumagasa si Giannis Antetokounmpo ng 31 points, 13 rebounds at 6 assists, may 17 points si Khris Middleton. Si Middleton ang nagbaon ng jumper sa final second para itakas ang Bucks 109-107 noong Game 1.

Nagkasya lang sa pinagsamang 26 points sina Miami stars Bam Adebayo at Jimmy Butler. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.