Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks pinunit Nets

0 155

Kumamada ng season-high 49 points si reigning back-to-back MVP Giannis Antetokounmpo upang pangunahan ang Milwaukee Bucks sa 117-114 pag-alpas sa kapwa Eastern Conference powerhouse Brooklyn Nets sa 75 NBA season regular season game sa Fiserv Forum sa Wisconsin nitong Lunes (Philippine time).

Sapat ang halimaw na laro ng Greek Freak, na nagdagdag pa ng 8 rebounds, 4 assists at 3 blocks upang sapawan ang 42 markers ni Kevin Durant na nanguna sa kinapos sa dulo na Nets.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Durant ang nagmintis ng isang potential game-tying three pointer sa endgame, at nagselyo sa panalo ng Bucks na umakyat sa 40-24 win-loss record para sa pangatlong pwesto sa kumperensya.

Sa ibang mga laro, tinibag ng Portland ang Boston, 129-119; dinikdik ng New York ang Houston, 122-97; inisahan ng Philadelphia ang San Antonio sa overtime 113-111; inungusan ng Phoenix ang Oklahoma City, 123-120; binambo ng Sacramento ang Dallas, 111-99; tinusta ng Miami ang Charlotte, 121-111; at sinilat ng Toronto ang LA Lakers, 121-114. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.