Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks sinipa Spurs

0 522

Pang-anim na sunod na biktima ng Milwaukee ang San Antonio 120-113 sa 75th NBA regular season game sa Fiserv Forum sa Wisconsin Sabado ng gabi.

Sumuwag si Giannis Antetokounmpo ng halos triple-double na 26 points, 8 rebounds at season-high 15 assists, dinagdagdan ng 23 points ni Khris Middleton at 21 kay Jrue Holiday sa pag-angat ng winning team sa 27-14 at hila pababa sa biktima sa 22-17 .

Humagupit ng career-high 31 points si Lonnie Walker, may 22 si DeMar DeRozan para sa Spurs.

Huling lumamang ang San Antonio 98-94 sa jumper ni Walker 8 ½ minutes pa sa laro.

Suamgot ng 3 si Middleton, umiskor sa layup si Pat Connaughton mula sa assist ni Antetokounmpo.

Dalawa pang tres ang ibinaon ni Middleton at kumalas ang Bucks, sinundan ng payanig na dunk at 3-pointer din ni Antetokounmpo.

Kumalawit ng team-high 13 rebounds at may 12 points si Donte DiVincenzo para sa Milwaukee.

Ipinahinga ng Spurs sina Dejounte Murray at Patty Mills sa second game ng back-to-back at finale ng five-game, seven-day trip. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.