Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks tinastas Pacers

0 150

Naglista ng pinagsamang 63 points sina Giannis Antetokounmpo, Jrue Holiday at Khris Middleton, at inekisan ng Milwaukee Bucks ang seventh straight win via 118-100 dominasyon sa Indiana Pacers sa 2021-22 NBA regular season game Linggo ng gabi sa Bankers Life Fieldhouse sa Indianapolis.

Ikinalat ni Holiday ang 11 sa kanyang 23 points sa third quarter nang kumaripas ang Bucks 39-27 para pabukahin ang five-point halftime lead tungo sa 91-74 papasok ng fourth.

Nagsumite si Antetokounmpo ng 26 points at 13 rebounds, tig-14 points kina Middleton Pat Connaughton. May sahog pang 7 rebounds, 9 assists si Holiday, nag-ambag ng 15 points si Bobby Portis.

SM food to go Banner Ad

“They’re the champions,” bulalas ni Pacers forward Justin Holiday na nagsumite ng 10 points. “It’s going to be a tough game against them every time.”

Binitbit ng season-high 23 points ni Caris LeVert ang Indiana. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.