Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks tiniris Thunder

0 42

Sa unang pagkakataon, naglaro sa preseason si Giannis Antetokounmpo sa 130-110 panalo ng Milwaukee kontra Oklahoma City Thunder Linggo ng gabi.

Pinangalandakan ng Finals MVP ang debut sa tono ng 9 points, 9 rebounds at 6 assists sa loob ng 17 minutes lang.

Umiskor lahat ang 14 players na ginamit ng NBA champion Milwaukee, walo ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 15 ni Jordan Nwora. May tig-14 sina Khris Middleton at Elijah Bryant.

Iginupo ng hyperextended left knee si Antetokounmpo sa Eastern Conference finals, bumalik sa NBA Finals para ihatid ang Bucks sa unang titulo sapul noong 1971.

Related Posts

Sa postgame interview, ilang beses nabanggit ni Antetokounmpo na kinakalawang pa siya pero overall ay pasado rin.

“It feels good to be a part of the team, just go out there, run up and down, make some plays, just being around the team, being here at Fiserv (Forum),” aniya.

Nagliyab ng 81 points sa first half ang Bucks, 41 sa opening quarter.

Umiskor ng 19 si Luguentz Dort sa Thunder. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.