Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks ungos vs Celtics

0 41

PINAGLARUAN ni Giannis Antetokounmpo ang triple-double sa likod ng 42 points, 12 rebounds at 8 assists upang ialpas ang Milwaukee kontra Boston 103-101 sa matensyong 76th National Basketball Association 2021-22 Game 3 second-round playoffs series Sabado ng gabi sa Fiserv Forum sa Wisconsin.

Sayang ang game-tying basket shot sana ng Celtics na nahuli lang ng millisecond at nagtulak sa Bucks sa pangunguna sa 2-1.

Nagkadrama sa final buzzer sa sinablay na free throw si Marcus Smart na nagbigay sa Celtics ng pagkakataon sa isang game-tying 2-pointer. Nakuha ni Al Horford ang bola sa basket pagkatapos ng maraming pagtatangka sa putback hanggang pumasok kasabay ng huling buzzer.

Pero pagkaraang masuri ng mga opisyal upang kumpirmahin ang attempt, nakitang huli na ito sa orasan.

Nakabawi pa ang Boston sa fourth quarter sa paghablot sa 100-99 abante saka nagtulong sina Antetokounmpo at Jrue Holiday na nag-ambag sa Bucks ng 25 puntos patulak sa Bucks sa tagumpay. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.