Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks winalis Heat

0 187

Buena-manong nagmartsa sa NBA second round ang Milwaukee Bucks, winalis sa apat na laro ang Miami Heat huli ang panapos-seryeng 120-103 win Sabado ng gabi sa AmericanAirlines Arena sa Florida.

Noong isang taon, sinipa ng Heat ang Bucks sa East semis.

Umiskor ng pinagsamang 87 points ang apat na Bucks sa pangunguna ng 25 ni Brook Lopez at 22 ni Bryn Forbes off the bench.

Nambarako si Giannis Antetokounmpo ng 20 points, 12 rebounds at 15 assists, may 20 points at 11 boards si Khris Middleton.

Hihintayin ng Milwaukee ang winner ng Brooklyn-Boston series.

Sa first round noong nakaraang taon, winalis ng Miami ang Indiana. Winalis ng New Jersey ang York noong 2004, sumunod na taon ay binokya ng Heat ang Knicks.

Binitbit ng 20 points, 14 rebounds ni Bam Adebayo ang Heat. Nagsumite ng triple-double na 12 points, 10 rebounds at 10 assists si Jimmy Butler para sa nasipang Eastern Conference champions. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.