Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Bucks’kinatay’ Bulls

0 180

Pinasan ni reigning two-time Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokoumpo ang Milwaukee Bucks upang katayin ang Chicago Bulls, 126-96, sa 2020-2021 NBA regular season game kahapon.

Kumayod ng double-double na 29 points at 12 rebounds si Antetokounmpo upang tulungan ang Bucks na ilista ang 2-2 record at bumangon mula sa pagkakadapa nakaraan kontra Miami Heat.

Nagpaulan ng tres ang Bucks, susi nila sa panalo kung saan ay nagtala sila ng 22 sa 45 na ipinukol sa three-point range.

SM food to go Banner Ad

Humarurot agad ang Bulls ng 5-0 sa simula ng laban, pero sumagot ang Bucks ng 12 puntos lahat galing sa tres, dalawa kay Donte DiVincenzo at tig-isa k
sina Khris Middleton Brook Lopez.

Bago matapos ang first half, tumarak ng 15-2 run ang Milwaukee para hawakan ang 26 points advantage, 66-40, papasok ng third canto.

Bumakas si Bryan Forbes ng 18 puntos, may 14 si Middleton habang tig-11 at siyam na puntos ang kinana nina Divincenzo at Lopez, ayon sa pagkakasunod.

Namuno sa opensa ng Bulls si Zach LaVine na may 16 markers habang 14 puntos ang binakas ni Denzel Valentine. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.