Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis hindi aalis sa Bucks

0 82

Nagsalita na rin si Bucks supertar Giannis Antetokounmpo, hindi aniya siya aalis sa Milwaukee.

“It’s not happening. That’s not happening,” giit ni Antetokounmpo sa Yahoo Sports pagkatapos masipa ang Bucks sa Miami nitong Martes sa second round ng East.

“Some see a wall and go in. I plow through it. We just have to get better as a team, individually and et right back at it next season.”

Free agent na si Antetokounmpo, 25, pagkatapos ng 2020-21 season, sa offseason lang ngayong taon puwede na siyang pumirma ng super-max extension na tinatayang aabot sa $254M sa loob ng limang taon.

Hindi nakalaro si Giannis sa Game 5 dahil sa right ankle sprain.

Dalawang sunod na seasons nang NBA-best ang Bucks sa regular season, dalawang sunod din silang hindi umabot sa NBA Finals.

Kung madali rin aniya makakuha ng NBA championship, dapat marami nang may rings. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.