Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis igagapos ng Celtics

0 58

Hindi pipitsugin ang winalis ng Boston sa 76th NBA 2021-22 first round ng East playoffs.

Unang biktima lang naman ng Celtics sina Kevin Durant, Kyrie Irving at Brooklyn Nets.

Nagsimula sa depensa na inilatag ni rookie coach Ime Udoka para kay Defensive Player of the Year Marcus Smart, natapos sa high-octane offense ni Jayson Tatum.

Sa pagitan nu’n, sina Jaylen Brown at Al Horford.

Celtics lang ang team na naka-sweep ng opening round ngayong taon.

Mabigat ang una, pader ang pangalawa simula ngayong araw sa Boston.

Toka ng Boston ang defending champion Milwaukee Bucks at si Giannis Antetokounmpo sa next round.

“We all know what Giannis is capable of, what he’s done, what he’s doing and what he’s gonna try to do,” ani Smart. “For us it’s gonna take another team effort.”

Kinalos ng Bucks ang Bulls sa limang laro.

Hindi pa malinaw ang estado ng partner ni Giannis na si Khris Antetokounmpo (knee) sa parating na series. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.