Abante Tonite Interactive

Giannis, Kawhi agawan sa dating trono ni James

436

Pag-alis ni LeBron James ng Cleveland para tumalon sa Los Angeles Lakers noong July, alam na ng lahat na magkakaroon ng bagong hari ang Eastern Conference.

Ngayon ay dalawang teams na lang ang naiwan sa East, nagbubuno sa conference finals ang Milwaukee at Toronto.

Manggagaling sa dalawang team ang papalit sa trono ni LeBron.

Si Giannis Antetokounmpo ng Bucks, o si Kawhi Leonard ng Raptors.

“I didn’t know we were going to be in the Eastern Conference finals or not,” ani Antetokounmpo. “I just know that he’s a top player that we always had problems against him and the Cavs. Now he’s not playing for the Cavs, so it’s going to be a little bit easier.”

Nakaisang panalo na ang Bucks sa series, tatlo pa ay papalitan na si James na walong sunod na season na bumibiyahe sa NBA Finals bilang kinatawan ng East.

Game 2 ng East finals sa Milwaukee pa rin nga­yong araw. (VE)