Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Khris bida sa Bucks

0 250

Umiskor ng tig-33 sina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton, umahon ang Milwaukee Bucks mula 23 puntos na pagkakaiwan para palamigin ang Miami Heat 130-116 Huwebes ng gabi sa NBA seeding game Orlando bubble.

Selyado muli ng Bucks ang top seeding sa Eastern Conference.

Nagbaba pa ng 12 rebounds si Antetokounmpo na 13 of 17 mula sa field, namigay ng 8 assists si Middleton na bumato ng 9 for 14.

Wala sina Jimmy Butler at Goran Daragic pero nakapagsalansan ng 73 points sa first half ang Miami. Nanguluntoy ang Heat pagbalik mula sa break, nag-umigting ng Bucks para agawin ang lead pero iwan pa rin ng anim papasok ng fourth.

Napituhan si Giannis ng panlimang foul sa bukana ng final period, naupo ng halos limang minuto.

Iwan ng isa ang Milwaukee 5 minutes pa sa laro, binalik si Antetokounmpo para mag-take charge sa pamatay na 20-0 run ng Bucks. Tatlong dakdak ang pinakawalan ng Greek Freak tungo sa 130-111 Milwaukee lead kulang isang minuto na lang.

Namuno ang 21 points ni Duncan Robinson sa Miami. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.