Abante Tonite Interactive

Giannis kinatay ang Clippers

377

Pasabog ang 25th birthday ni Giannis Anteto­kounmpo nitong Biyernes.

Naglista ng 27 points at 11 rebounds si Antetokounmpo at nilapa ng Milwaukee Bucks ang Los Angeles Clippers 119-91 sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Mula sa field, 11 of 20 si Antetokounmpo, kinolekta ang 21st double-double ng season para ihatid ang Milwaukee sa 14th straight win.

Nilabas na siya 8:56 pa sa laro lamang ang Bucks ng 36. Lumayo ng hanggang 41 ang Milwaukee at pinahaba ang winning streak sapul nang magtuhog ng 16 consecutive games patawid sa dalawang seasons noong 1973.

Namutla ang 17 points ni Kawhi Leonard at 13 ni Paul George sa Clippers.

Nagdagdag pa si Khris Middleton ng 17 sa Bucks, may tig-13 sina Pat Connaughton at Ersan Ilyasova. (VE)