Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis kinausap tropeo ‘di media

0 33

Si Giannis Antetokounmpo ang unang player sa kasaysayan ng NBA na naglista ng 40 points, 10 rebounds at 5 blocks sa isang laro sa Finals, ayon sa StatMuse.

Sa title-clinching 105-98 win ng Milwaukee kontra Phoenix nitong Martes, nam-bulldozer ang Greek Freak ng dambuhalang 50 points, 14 rebounds, 2 assists at 5 swats.

Dinagdag ni Giannis, 26, ang Finals MVP sa mga koleksiyon niyang back-to-back regular season MVPs (2019, 2020), Defensive Player of the Year (2020) at All-Star Game MVP (2021).

Sa postgame, nag-i-interview ang media ay hindi sumasagot si Giannis. Yakap niya sa kaliwang braso ang Larry O’Brien at sa kanan ang Bill Russell Finals MVP Trophy – kinakausap.

SM food to go Banner Ad

Sa huling apat na laro na lahat ipinanalo ng Bucks, nag-average si Antetokounmpo ng 37 points, sa buong Finals ay 35.

Mula sa floor ay 16 of 25 siya sa loob ng 42 minutes sa Game 6 para tapusin ang series 4-2.

Kampeon ang magkapatid na Giannis at Thanasis, bagama’t hindi nakapaglaro sa huling dalawa si Thanasis dahil nasa health and safety protocols. Noong 2020, champion sa Lakers ang isa pa nilang kapatid na si Kostas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.