Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis-less Bucks asinta ang Finals

0 120

TATANGKAIN ng Milwaukee Bucks na bumiyahe na sa NBA Finals kahit wala ang superstar nilang si Giannis Antetokounmpo.

Sidelined ang two-time MVP ng hyperextended left knee sa Game 4, hindi nakalaro noong Game 5 na inari ng Bucks 123-112 para sa 3-2 lead kontra Atlanta Hawks.

Apat na Bucks ang umiskor ng 22 pataas sa panalo sa pangunguna ng 33 ni Brook Lopez, 26 ni Khris Middleton at 25 ni Jrue Holiday.

Pukpok muli ang support cast ni Antetokounmpo sa dayo ng Game 6 ngayong araw.

Sumama ang Greek Freak sa Atlanta pero nakalistang ‘doubtful’.

Sa ulat nina Adrian Wojnarowski at Zach Lowe ng ESPN, hindi malinaw kung kailan makakabalik si Antetokounmpo.

Sakaling makaisa ang Hawks sa sariling teritoryo, babalik ang series sa Milwaukee para sa winner-take-all Game 7 sa Martes (araw sa Manila).

Kaya lang, pilay din ang Hawks dahil kuwestiyonable ang pamatong si Trae Young na may right foot bone bruise. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.