Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis astig vs Lakers

0 101

Walang nakapigil kay Giannis Antetokounmpo, humarabas ng 47 points para ihatid ang Milwaukee sa 109-102 panalo laban sa Lakers sa 2021-22 NBA regular season game Miyerkoles ng gabi sa Fiserv Forum sa Wisconsin.

Bumalik din sa lineup ng Bucks si Khris Middleton, nagdagdag ng 16 points kabilang ang back-to-back 3s sa bukana ng fourth. Walong larong lumiban ang forward dahil sa health and safety protocols ng liga.

Nakatipon na si Middleton ng 1,051 3-pointers para akbayan si Ray Allen sa first place ng all-time list ng Bucks.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

May 17 points pa si Bobby Portis sa Milwaukee, 16 din mula kay Pat Connaughton off the bench para sumampa ang kampo sa 7-8, dikit sa biktima na may 8-8 win-loss record .

Sa walong larong nakagarahe si LeBron James (abdominal strain), 3-5 ang Lakers.

Kinapos ang 25 points, 12 rebounds ni Talen Horton-Tucker at 19 points, 15 assists ni Russell Westbrook sa LA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.