Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis mabilis mag-init, lumamig

0 202

Marunong din palang mapikon si Giannis Antetokounmpo.

Kinailangang pigilin ng players at referees si Antetokounmpo nang pumormang susugurin si Brooklyn Nets forward Donta Hall sa Orlando bubble noong Martes na rito’y sinilat ng Nets ang NBA leading Bucks.

Sa second quarter, naggigitgitan sina Antetokounmpo at Hall sa puwestuhan sa ilalim ng basket nang isalya sa lapag ni Hall ang Milwaukee Bucks star.

Tayo agad ang reigning MVP at sinugod si Hall pero naagapang pigilan ng ibang nasa court.

Isa isang anggulo ng replay ng insidente, mapapansin na sinasabi ni Antetokounmpo sa referee: “I’m gonna f*** him up.”

Kung ano’ng bilis na nagliyab, ganu’n din kabilis kumalma ng Greek Freak at lumayo na lang.

(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.