Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis masaya para kay Kostas

0 288

Kasama sa newly-crowned 74th National Basketball Association (NBA) 2020 champion Los Angeles Lakers ang kapatid ni back-to-back MVP Giannis Antetokounmpo na si Kostas.

Biro ng fans, naunahan pa ni Kostas si Giannis na makakuha ng kampeonato sa liga.

Dalawang taon pa lang sa liga si Kostas habang ang MVP ng 2019 at 2020 ay 2013 pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang makapasok ang Lakers sa finals, memes na patungkol kina Antetokounmpo at Meyers Leonard match up ang makikita sa social media.

Dahil si Kostas ng Lakers at Leonard ng Miami Heat ang nagtapat, hindi sina Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers at Giannis ng Milwaukee Bucks.

Umani ng papuri si si Kostas, naghayag din ang kuya niyang si Giannis, 25, nang kasiyahan para sa tagumpay ng utol.

“I’m so freaking proud!! You are a NBA Champ for life. Way to represent our family and our countries,” anang Greek Freak. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.