Abante Tonite Interactive

Giannis may $247M, 5 taon sa Milwaukee

348

Wala na halos nagulat nang kumpirmahin ni Milwaukee Bucks general manager Jon Horst na bibigyan nila ng maximum contract extension si Giannis Antetokounmpo sa susunod na negosasyon.

Nangungulelat noon ang Bucks hanggang i-draft si Antetokounmpo 15th overall nitong 2013.

Sa anim na seasons, nahasa ang Greek Freak, naging MVP pa ng nakaraang season nang ihatid hanggang Eastern Conference finals ang Bucks bago yumuko sa Toronto Raptors.

Nag-average si Antetokounmpo ng 27 points. 12.5 rebounds at 5.9 assists nitong 2018-19.

“The answer, for now, is that we can’t negotiate anything”, lahad ni Horst sa Fox Wisconsin. “So Giannis, basically a year from now will be eligible for a super-max extension. At that time, of course, he will be offered a super-max extension”.

Sa super-max deal, tatanggap si Antetokounmpo ng $247 million sa loob ng limang taon.

Ang butas sa laro ni Giannis ay ang kanyang shooting. Halos sigurado na ang basket kapag malapit siya sa rim, pero kuwestiyonable ang tira niya mula 15 feet.

Pero 24 pa lang si Antetokounmpo, mahabang panahon pa para mahasa sa perimeter. (VE)