Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis, Milwaukee sasakay sa suwerte

0 107

SASAKYAN ni Giannis Antetokounmpo at ng Milwaukee ang momentum ng dambuhalang 125-91 Game 2 win sa pagdayo sa Atlanta ngayong araw.

Idinikit ng Bucks ang East finals 2-1 sa likod ng 25 points ng two-time MVP.

Sa pangunguna ni Antetokounmpo, nilamon ng Bucks ang Hawks sa scoring sa paint 62-30. Sumasablay ang 3-pointers ng Greek Freak pero 11 of 18 sa field, bulto nito sa paint.

Babawi si Trae Young mula sa maalat na Game 2 nang umiskor lang ng 15 at pinantayan ang career-high na 9 turnovers – walo sa first half – at hindi na naglaro sa buong fourth quarter.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“It was just one of those nights, and sometimes it happens like that,” ani Young, nagsalansan ng 48 points sa opener ng series.

Tatlong starters ng Hawks ang nasa unang sampa sa playoffs – Young, John Collins at Kevin Huerter.

Sina Khris Middleton at Jrue Holiday ang bumabak-ap kay Antetokounmpo. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.