Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis nagbaon ng triple-double

0 61

Tumabo si Giannis Antetokounmpo ng 24 points, 13 rebounds at 10 assists para ihatid ang Milwaukee sa 101-89 panalo kontra Boston sa Game 1 ng 76th NBA East second-round series.

Highlight ng triple-double ni Giannis ang play nang masukol bago makarating sa basket.

Pinabanda niya sa backboard ang bola, nilipad bago malakas na dinakdak.

“I threw it to the backboard,” ani Antetokounmpo, hindi nailista sa stats ang assist sa sarili. “I had a good jump to go get it again and I was able to finish the play.”

SM food to go Banner Ad

Nagdagdag si Jrue Holiday ng 25 points, 10 rebounds, may 15 at 11 si Bobby Portis sa Bucks na babalik ng TD Garden sa Boston para sa Game 2 sa Miyerkoles (araw sa Manila).

Inalat ang shooting ng Celtics, naka-50 bitaw sa 3s pero 18 lang ang pumasok.

Namuno sa Boston ang 21 points ni Jayson Tatum, 12 kay Jaylen Brown at may 12 markers, 10 boards si Al Horford. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.