Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sakit ni Giannis dinikdik ng Raptors

0 274

Sumakit ang ngipin ni Giannis Antetokounmpo, hindi na matiis kaya nakipagkita sa dentista para magpabunot sa Orlando bubble.

Hindi na naglaro ang Greek Freak nang harapin ng Milwaukee ang Toronto Lunes ng gabi.

Lumuhod ang Bucks sa Raptors 114-106.

Hindi na kinailangan ng Milwaukee ang kanilang reigning MVP dahil sa ikalawang sunod na taon ay selyado na ng team ang best record ng NBA. Toka ng Bucks ang eighth seed Orlando Magic sa first round.

Nag-a-average si Antetokounmpo ng 29.8 points, 13.7 rebounds at 5.7 assists ngayong season, nasa kontensiyon muli para sa ikalawang sunod na Kia MVP award. Kagitgitan niya sina LeBron James ng Lakers at James Harden ng Rockets.

Nagsalansan ng 25 points, 11 rebounds off the bench si Chris Boucher para giyahan ang Raptors. May 22 points si Matt Thomas at 21 pa kay Norman Powell.

Pasabog ng 19 points si Kyle Korver sa Bucks, may 17 si Khris Middleton. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.