Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis tinadtad ng kalmot, sugat

0 35

TADTAD ng kalmot si Giannis Antetokounmpo, epekto ng desperadong depensa ng Phoenix Suns sa NBA Finals.

“So they’re making my pretty face ugly,” pakli ni Antetokounmpo, ipinakita ang sugat sa noo at pisngi.

Pero hindi pa rin napigil ang two-time MVP.

Kulang na lang, sampayan sa likod ang Greek Freak.

Tumabo ng 41 points si Antetokounmpo para ihatid sa 120-100 win ang Milwaukee Bucks at ilapit ang series sa 2-1.

Inaasahang mas matindi pa si Giannis sa Game 4 ngayon sa Milwaukee pa rin.

Naka-isang laro lang sa loob ng limang araw ang Suns at Bucks, sapat na panahon para makapahinga – at para sa Suns ay pag-aralan kung paano pipigilin si Antetokounmpo.

Galing pa sa knee injury si Giannis pero humaharurot court-to-court, napigil na lang kapag sinasalubong ng foul.

Pero kadalasan sa mga foul na ‘yun, regalong biyahe naman sa stripe.

Naka-17 free throw attempts si Giannis noong Game 4, 13 dito ang pumasok.

Estratehiyang i-hack si Antetokounmpo dahil napakababa ng free throw shooting percentage. Sinuwerte nga lang noong huli.

Kung itutuloy nina Khris Middleton at Jrue Holiday ang maangas na laro noong huli, mas malamang na maibuhol ng Bucks ang series sa 2-2. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.