Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giannis todo hilot ng Bucks

0 273

Pinalibutan ng Milwaukee si Giannis Antetokounmpo ng players na magiging co-stars niya sa kampanya ng Bucks sa susunod na 76th season.

Mula Lunes ng gabi hanggang Martes ng madaling araw, pinagliyab ng Milwaukee ang video calls at message exchange hanggang makuha ang mga target.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, napapayag ng Bucks ang New Orleans at Sacramento na ipadala sa Milwaukee sina Pelicans guard Jrue Holiday at Kings forward Bogdan Bogdanovic.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Parang sinasabi ng Bucks sa Greek Freak, huwag na siyang umalis ng Milwaukee pagdating ng ‘endo’ niya sa susunod na taon o tapos ng 2020-21.

Plantsado na umano ang Holiday at Bogdanovic trades, isinama pa ng Kings si Justin James.

Makukuha ng Kings sina forward Donte DiVincenzo, DJ Wilson at Ersan Ilyasova.

“As part of the trade for Holiday, Milwaukee is sending New Orleans a package that includes Eric Bledsoe, George Hill and three first-round picks (a 2020 first from Indiana and unprotected firsts in 2025 and 2027), sources said,” ani Woj. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.